PAGNANAKAW ang pangunguha ng mga bagay na hind mo pag-aari. Kesehodang napulot mo ‘yan at hindi mo ibinalik sa may-ari o sa otoridad – pagnanakaw pa din yan.
Naawa ako sa isang 75-anyos na tricycle driver na dumating sa amin sa BITAG, unang araw ng pasukan ngayong 2023.
Nalaglag daw ang kaniyang wallet habang namamasada. Ang perang laman na P5,000 ay pinag-ipunan niya mula sa pamamasada.
Pastor din ang matandang humihingi sa BITAG ng tulong. Ang kaniya lamang gusto, maipanawagan sa taxi driver na nakapulot ng kaniyang wallet na ibalik na ito.
Isang kasamahan sa Toda ang nakakita kung sino ang nakapulot ng wallet ng matandang tricycle driver.
Aniya, naaktuhan niyang pinupulot ng taxi driver ang wallet sa kalsada. Nakita umano nila ang mga ID na nasa wallet at P5,000 pera.
Sinabi raw ng tricycle driver na kilala niya ang nagmamay-ari at kasamahan niya ito sa Toda. Sinubukan niyang kunin ang wallet subalit hindi raw siya pinansin ng taxi driver, bagkus ay pinaharurot nito ang kaniyang taxi dala ang wallet ng matanda.
Ang lahat ng pangyayari, nakuhanan ng CCTV Camera na nasa poste ng kalsada ng Tomas Morato St. sa Quezon City.
Ramdam ko ang pag-iyak ng kalooban ng matandang pastor. Imbes magalit sa taxi driver na nag-ala kawatan, tila sinisisi pa niya ang sarili sa pagkakalaglag ng kaniyang wallet.
Sa inisyal na imbestigasyon ng BITAG sa tulong ng Land Transportation and Franchising Board (LFRB), ang nasabing taxi na may Plate Number UVT-198 ay pag-aari ng Laranjo Taxi.
Sa record ng LTFRB, matatagpuan sa Instruction St., Sampaloc Manila ang tanggapan ng Laranjo Taxi.
Subalit sinubukan na ng Barangay Ex-O ng South Triangle ang nasabing address, subalit hindi raw nakita ang nasabing taxi.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.