Nilooban ng mga magnanakaw ang isang pampublikong eskwelahan sa Oton, Iloilo.
Ayon sa imbestigasyon ng Oton Municipal Police Station, isang utility ng eskwelahan ang nakapansinh bukas ang mga pinto ng mga silid aralan at ng PTA office ng Oton Central Elementary School sa Iloilo nakaraang Linggo, January 15.
“Humingi sa amin ng assistance yung presidente ng Parent Teacher Association (PTA) ng school matapos siyang i-inform ng utility na may nakita siyang classroom na open” paliwang ni Police Corporal Raymund Dollete ng Oton Municipal Police Station sa BITAG.
Ayon sa imbestigador ng kaso, kasama sa mga nanakaw ay 14 stand fan, 2 wall fan, isang 21-inch na flat screen TV at isang brand new na air-conditioned unit.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, sinira at inalis daw ng mga hindi pa tukoy na magnanakaw ang grills ng bintana ng nasabing eskwelahan.
Dagdag ng mga otoridad, grupo ng magnanakaw ang nasa likod ng panloloob.
“Hindi ito magagwa ng isang tao ito kasi sa dami ng nakuha sa mga classroom, may sinusundan na po kami ngayon na mga tao pero on-going pa ang validation wala po pong mga identity” ayon kay Dollete.
Samantala, sa gitna ng imbestigasyon ay nakita ng kapulisan na nag-iwan ng mensahe ang mga magnanakaw.
Humingi ng pasensya ang mga magnanakaw dahil wala daw silang makain na bigas.
Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang kasong ito.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.