Magsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang Police Regional Office Central Visayas (PRO-7) sa nangyaring pagdukot sa dalawang development workers sa pantalan sa Cebu City.
Inutusan ng PNP-PRO-7 ang Cebu Port Authority (CPA) na ilabas ang laman ng closed-circuit television footage (CCTV) sa loob ng pantalan noong araw na naganap ang insidente ng pagdukot sa magkasintahang Armand Jake Dayoha at Dyan Gumanao.
Si Dayoha ay miyembro ng Alliance of Concerned Teachers, habang si Gumanao ay volunteer organizer sa AMA Sugbu-KMU o Alyansa sa mga Mamumuo sa Sugbo-Kilusang Mayo Uno.
A-10 ng Enero nang dukutin ang magkasintahan sa Port of Cebu matapos ang kanilang bakasyon sa Mindanao.
Kumalat din ang isang video ng umano’y pagdukot sa dalawa habang nasa Cebu Port, na nakuhanan ng isang concerned netizen.
Nitong Lunes, ligtas na nakabalik ang dalawa sa kanilang mga pamilya matapos matagpuan sa sa isang resort sa Carmen, Cebu.
Sinabi ni Police Brigadier General Jerry Fornaleza Bearis, Police Regional Office Central Visayas (PRO-7) Director, na magsasagawa sila ng masinsinan at patas na imbestigasyon sa insidente lalo’t sinasabi ng mga magulang na mga nagpakilalang pulis ang dumukot sa dalawa.
Samantala, makikialam na din ang National Bureau of Investigation sa nangyaring insidente.
Sinabi ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kumakalap na sila ng mga karagdagan impormasyon upang masuri ng National Bureau of Investigation – Cebu.
Recent News
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.