Sobrang angas at tirador daw ng mga bintana ng mga residente sa Barangay 73, Caloocan City ang Barangay Tanod nitong si Edgardo Romillo o mas kilala sa bansag na “Boy Bisugo.”
Isa sa mga residente ng Barangay ang naglakas-loob ng lumapit sa BITAG upang ireklamo ang umano’y siga ng Barangay.
Taong 2022, nagsumbong ang inang si Joy Laderas sa public service program na #ipaBITAGMo matapos matamaan ng bato ang kanyang limang buwan sanggol mula sa nagwawalang si Boy Bisugo.
“Tuwing nalalasing siya lagi siyang nagwawala, lahat kaming magkakapitbahay dito inaway na niya, tinitirador niya yung mga sasakyan at mga bahay. One time po pinagbabato niya yung bahay namin, nabasag po yung bintana at tinamaan yung baby ko, nagbanta pa po na titiradurin yung mga anak ko hanggang sa mamatay” kuwento ni Joy sa BITAG.
Kinatatakutan daw si Romillo alyas Boy Bisugo ng mga residente sa kanilang Barangay dahil sa kasigaan nito. Sa katunayan raw ay patung-patong na rin ang mga reklamo nito sa barangay.
Subalit ayon kay Joy, suko na raw ang kanilang Barangay sa pagiging pasaway at troublemaker ni Boy Bisugo.
“Hindi na po siya kaya ng barangay kasi natatakot na po sa kanya dahil madami daw pong kaibigang pulis” paliwanag ni Joy.
Sa pakikipag-ugnayan ng BITAG kay Kap. Joven Llena ng Brgy 73, Caloocan City, kinumpirma nito ksa program host na si Ben Tulfo na malimit ngang ireklamo sa Barangay si Boy Bisugo.
“Bilang ama ng barangay, ilagay mo sa katahimikan ang lugar na nasasakupan mo, linisin mo ang bakuran mo kung may basura, itapon mo na, ayusin mo ang tao kung hindi tutuktukan ko ‘yan sa harap mo, patinuin mo yang tao mo si Boy Bisugo bago ko gawing paksiw ‘yan,” payo ni Tulfo kay Kap. Llena.
Nag-alok din si Tulfo na tawagan lamang siya anumang oras ni Kap. Llena oras na hindi niya madisiplina ang tanod na si Boy Bisugo.
Ang kabuuan ng pangangastigi ni Ben Tulfo, panoorin:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.