Kinumpirma ni Golden Boy Promotions founder na si Oscar De La Hoya na magaganap ang bakbakang Ryan Garcia at Gervonta Davis sa April 15.
Ito ay matapos niyang i-post sa kanyang instagram ang kanilang larawan ni Garcia na may hawak na kontrata.
“Devil is in the details,” ani ng Hall of Famer at dating six-division champion sa kanyang post kahapon. “April 15 lets go!” Matatandaang umami ng iba’t-ibang reaksyon ang pagbabanta noon ni De La Hoya na tatalikuran nito ang bakbakang Davis-Garcia kung hindi ito agad makakatanggap ng pirmadong kontrata mula sa dalawang boksingero.
Nov. 17, 2022 nang parehong inanunsyo nina Davis at Garcia sa kanilang social media ang kanilang laban na mangyayari sa first half ng taong 2023.
Sina Garcia at Davis ay parehong undefeated professional boxers na magsasagupaan sa superlightweight division.
Kasalukuyang may kartadang 23 wins, 0 loss at 19 knockouts si Garcia na huling sumabak sa aksyon noong July 2022 kontra kay Javier Fortuna.
Nakatakda sana itong lumaban sa Filipino boxer na si Mercito Gesta sa Jan. 28 subalit pinili nito na ituon ang atensyon sa napipintong bakbakan sa Mayo.
Samantala, may malinis na 28-0, 26 KO record naman ang makakasagupa niyang si Davis na pinataob kamakailan lang ang Dominican boxer na si Hector Luis Garcia noong Jan. 7
Recent News
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.