Kulong ang dalawang vlogger matapos gumawa ng prank sa isang gasoline station sa Brgy. Poblacion, Mawab, Davao de Oro kahapon, Enero 18.
Kinilala ng mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa ilalim ng Mawab Police Station sina Jonel Cordero at Arnold Rabi dahil sa ginawang prank o practical joke sa mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Ayon sa imbestigador ng Mawab PS, bumili umano ang suspek na si Cordero ng gasolina na nagkakahalaga ng sampung piso (Php 10.00) at inilagay sa isang bote ng softdrinks.
Ininom niya ang ang laman ng nasabing bote, nagkunwaring nahihilo at umarteng nagsusuka at nalason habang kinukunan ng video ng kapwa-vlogger na si Rabi.
Agad na tumawag ang mga empleyado ng gasolinahan sa MDRRMO at isinagawa ang medical assessment at first aid.
Sa gulat ng dalawang vloggers, bigla nilang sinabing prank lang ang ginawa nila at ipinagapat na energy drink ang kanyang ininom at hindi gasolina.
Dahil sa ginawang abala at alarma sa mga tauhan ng MDRMMO, inaresto ang dalawa prankster.
Humingi naman ng tawad ang dalawa subalit sasampahan pa rin sila ng kasong Alarm and Scandal sa ilalim ng Article 155 ng Revised Penal Code.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.