Si Mark Geronimo, isang guwardiya sa hospital ay humingi ng tulong sa public service program na #ipaBITAGmo.
Sumbong ni Mark, kinuyog raw siya ng limang kalalakihan matapos niyang ipagtanggol ang menor-de-edad na anak.Pinagbintangan at tinawag umano ang kaniyang na magnanakaw.
Ayon kay Mark ay nakausap niya ang kaniyang kapitbahay na nawalan ng wallet. Kinumpirma daw nito na hindi ang anak ni Mark ang kumuha.
Ipinakita ni Mark sa BITAG ang isang video kung saan nakita ang aktuwal na kaguluhan. Dagdag niya, bigla na lang daw siyang sinuntok sa likod, pinalibutan at pinukpok ng bote hanggang sa pumutok ang kanyang ulo.
Bilang isang ama, siya raw ay nasasaktan sa mga nangyari dahil nagkaroon ng trauma ang kanyang anak.Sa pagtatanong ng program host na si Mr. Ben Tulfo, napag-alaman na matagal ng mainit ang ulo ng mga kapitbahay ni Mark sa kanya.
Matagal na raw pinupuntirya ng mga kapitbahay ang pamilya ni Mark na paalisin sa kanilang tirahan.Inamin ni Mark sa BITAG, kasalukuyang dinidinig sa barangay ang insidente ng pangunguyog sa kaniya.
Dahil dito inabisuhan siya ni Ben Tulfo na yaman din lamang na nasa proseso na ang Barangay sa pagi-imbestiga, kailangang irespeto ito ng programang #ipaBITAGmo gayundin ang nagrereklamong si Mark.“
Dahil away barangay ito ayaw naming lumabas na inaagaw namin ang trabaho ng barangay, dahil naguusap kayo sa barangay hindi ko alam kung ito ba ay lalala o may posibilidad na pwede kayong mag kaayos.
Kung sakaling hindi kayo mapag-ayos sa barangay at gusto mo talaga ng hustisya kumuha ka ng Certificate to file Action at subukan mo magkaso” paliwanag ni Tulfo.
Alamin kung ano ang natuklasan ng BITAG kung kaya’t hindi na nanghimasok sa sumbong na ito, panoorin
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.