Upang makakuha ng maayos na trabaho at disenteng pamumuhay, pag-aabroad ang karaniwang sagot ng ilan nating mga kababayan.
Subalit ito din ang nakikitang oportunidad ng mga dorobong illegal recruiter at agency na bumibiktima at nanamantala ng mga pobre nating kababayan na hangad lang ay mapaganda ang kanilang buhay.
Pebrero 2020, ilang linggo bago mag-lock down ang buong mundo dahil sa pandemya, lumapit sa BITAG ang labing walong (18) aplikante ng APP Worldwide Recruitment Services na pag-aari ng mag-asawang Ruben at Evelyn Samonte.
Niloko daw sila ng nasabing ahensya. Pinangakuan daw sila ng mag-asawang Samonte ng visa at job order sa London para sa mga trabaho tulad ng caregiver, nurse, at housekeeper.
Ang kanilang mga passport, nasa posesyon din ng APP.
Sumbong ng mga biktima, pinagbayad umano sila ng mag-asawang Samonte mula P50,000 hanggang P200,000 para sa proseso ng kanilang application.
Sa pag-iimbestiga ng BITAG, napag-alaman na walang job order ang London na ipinagkaloob sa APP Worldwide Recruitment Services.
Mismong embahada na din ng Pilipinas sa London ang nagpadala ng sertipiko para patunayang bogus ang mga job order na ipinagmamalaki ng APP.
Agad nakipag-ugnayan ang BITAG sa Manila City Hall Business Permit and Licensing Office (BPLO) at sa Manila Police District para puntahan ang opisina ng inirereklamong agency.
Subalit sa halip na humarap, nagkulong sa opisina at tuluyang nagtago ang inirereklamong may-ari na si Ruben Samonte.
Makailang beses kinatok ng mga pulis, barangay officials at building security ang may-ari, subalit hindi ito lumabas ng kaniyang opisina hanggang. hatinggabi.
Panoorin ang full episode na ginawang hakbang ng BITAG.
Watch until the end, dahil may pasabog na ibinunyag ang mismong anak ng mga may-ari ng APP Worldwide Recruitment Services hinggil sa modus ng kaniyang mga magulang at ng agency nito.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.