Sa halip na Father’s Day ay pagluluksa ang sama-samang ginunita ng pamilya Gamboa, Taong 2018. Ang kanilang padre de pamilya, pinaslang sa gitna ng piyesta sa kanilang lugar.
Isang ulirang ama ang kaniyang mister na si Allen Gamboa, ayon sa maybahay na si Janette.
“Mabait naman siya pero sobrang strikto lalo na sa mga anak ko kasi parehong babae yung mga anak ko, dito sa bahay maaasahan mo siya, siya yung naglalaba siya yung nagluluto” kwento ng asawa ng biktima sa BITAG-Crime Desk.
Lumaki mismo si Allen sa Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna kaya naman marami siyang kakilala at kabigan sa kanilang lugar. Libangan daw ng kaniyang mister na tumambay sa tapat ng kanilang tahanan kasama ang mga kaibigan nito.
Wala silang kamalay-malay sa nakaambang panganib sa kanilang padre de pamilya.
Sa kalagitnaan kasi ng kapistahan ng kanilang lugar ay walang awang pinagbabaril si Allen. Ang nangyaring krimen, sapul sa CCTV camera ng barangay.
“Habang nanonood ako ng tv may tumatawag parang ang gulo so ang ginawa ko lumabas ako sa kalsada may nangyari na ngang shooting incident so nung pumunta ako dun sa area wala na yung asawa ko, nadala na siya sa hospital,” pagsasalaysay ni Janette.
Matapos ang ilang oras na pakikipaglaban ng biktima para sa kanyang buhay, tuluyan itong pumanaw noong gabi ng June 13, 2018.
Ang suspek, malapit na kaibigan daw ni Allen. Mabilis itong nakatakas matapos ang pamamaril sa biktima.
Ang motibo ng pamamaslang sa ulirang ama na si Allen, Panoorin sa isinagawang imbestigasyon ng BITAG-Crime Desk:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.