Isang grupo ng mga rap artists ang dumulog sa #ipaBITAGmo upang humingi ng tulong na maiparating sa airline company na AirAsia ang kanilang reklamo.
Ayon sa tagapagsalita ng kanilang grupo na si Van Santos, January 7, 2023 ay lumipad ang kanilang grupo papuntang Caticlan, Boracay matapos silang maimbitahan na mag-perfrom para sa isang okasyon.
“Kami po ay nagpunta ng Ati-Atihan festival para po mag-perform at pagkakitaan sa aming talento para may mauwi kami sa aming mga pamilya ng biyaya ngunit sa kasamaang palad po imbes na biyaya ay nagmukha kaming kaawawa” paliwang ni Van sa BITAG.
Sa ipinakitang boarding pass ng mga nagrereklamo, ang kanilang actual flight pabalik ng Maynila ay 11:10 ng umaga ng January 9.
“The night before nag-check in na po kami sa online, and then nung dumating po kami nag-check in kami ulit, 2nd time around para naman sa boarding pass 10:01 po ’yun” ayon kay Van.
“Nakita ko sa may Gate 3 bigla pong may isang babae na hinold yung mga kasama ko ang sabi hindi na daw kami pwede pumasok, ang sabi ko 10:45 pa lang ho, ang sabi ng babae 10:53 na, ang flight namin 11:10,” dagdag ni Van.
Pinakiusapan daw ng kanilang grupo ang ground stewardess ng AirAsia ngunit hindi daw sila nito pinakinggan. Sa halip ay pinapunta sila nito sa tanggapan ng AirAsia sa airport. Doon ay pinagbabayad umano sila ng panibagong P72,000 para ma-rebook ang kanilang flight.
Para makauwo sa kanilang pamilya ay napilitan umano ang mga nagrereklamo na sumakay ng barko pabalik ng Maynila. Ang kanilang talent fee, nabawasan pa raw ng pamasahe sa barko makauwi lamang.
Ang sagot ng AirAsia nang iparating ng BITAG ang reklamong ito, panoorin:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.