Dalawampung (20) Bangka Operators mula sa General Trias Cavite ang humingi ng tulong sa BITAG, taong 2018.
Ang kanilang sumbong, ginagawa umano silang gatasan ng kasalukuyan noong Hepe ng Cavite Maritime Police.
Araw-araw daw pinag-iinitan ang kanilang mga bangka sakay ang mga mangingisda sa laot,
Hinuhuli at pinagbabayad raw sila ng multa na umaabot sa Php 30,000 bawat isang bangka.
Bukod sa multa sa bangka, kinukuhanan pa ng mga banyerang huling isda ang mga pobreng mangingisda.
Makailang beses nagsagawa ng undercover at surveillance operation ang BITAG.
Sumamang pumalaot ang mga BITAG undercover na nagpanggap ding mga mangingisda upang ma-build up ang kaso.
Halos anim na buwan na trinabaho ng BITAG ang sumbong na ito dahil sa dulas at mala-palos na galawan ng inirereklamong hepe.
Hanggang sa makumpirma ng BITAG at malinaw na naidokumento ang mga transaksyon sa pagitan ng ng mga mangingisda at hepe ng Maritime Police na si Col. Armandy Dimabuyu.
Naging madulas man sa una si Colonel, nalambat pa din siya sa pamamagitan ng silong ikinasa ng BITAG kasama ang mga operatiba ng Counter Intelligence Task Force (CITF) ng Philippine National Police.
Ang buong pagmamanman at operasyon , panoorin sa link na ito:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.