Makalipas ang tatlong taon, muling magbabalik ang PBA All-Star Weekend sa Passi, Iloilo sa Marso na may bagong pakulo o sistema.
Inanunsyo ito ni PBA commissioner Willie Marcial kahapon, Enero 22 sa halftime break ng opening game ng 2023 Governor’s Cup sa pagitan ng Meralco at Rain or Shine. Bubuuin na rin daw ang dalawang koponan na magtatagisan sa pamamagitan ng balloting system o pagboto kung saan ang mga fans ang mamimili ng 24 na mga manlalaro.
Mula doon, ang dalawang makakakuha ng pinaka-mataas na boto ang tatanghaling mga captain ball na siya namang mamimili ng kanilang mga magiging kakampi.
“Mamimili ang fans ng 24, kahit anong position top 24 na players na pipiliin nila. Duon sa 24 yung dalawa gagawin nating captain ball. Tapos mamimili sila dun sa 22, palitan para makabuo ng team,” palinawag ni Marcial.
“For the coaches, it will also be the fans who will be choosing,” dagdag nito.
Magsisimula ang botohan sa Jan. 25 sa pamamagitan ng isang poll sa website at social media account ng PBA. Magsasara ito sa Feb. 15.
Ang bagong sistema ay gagawin din sa pagbuo ng teams sa Rookies, Sophomore at Junior games kung saan inaasahan na sasali rin sa naturang liga ang mga celebrities at influencers.
Bukod dito, kabilang sa mga magbabalik na palaro ay ang Skills, Slam Dunk at Three-point contest.
Marso taong 2019 nang ganapin ang huling PBA All-Star Weekend sa Calasiao, Pangasinan kung saan nilampaso ng North-All Stars ang South sa iskor na 185-170.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.