Sino nga naman ang mag-aakala, pati high-end mall ngayon puntirya na rin ng mga salisi.
Kagabi, dalawang miyembro ng “salisi gang” ang nambiktima ng isang instructional designer sa Glorietta 3 sa Makati. Nakuha sa biktima na ayaw magpabanggit ng pangalan ang isang brown straightforward leather tote bag na naglalaman ng iPhone charger, vape, at Aldo wallet, vaccination card, school ID, at iba pa.
Ayon sa ulat, habang naghahapunan ang biktima kasama ang kanyang kasintahan, napansin niya na nawawala ang kanyang bag na nakasabit sa kanyang pet stroller. Agad niya itong itinawag sa mall security at isinagawa ang pagsusuri sa CCTV ng mall.
Sa video, nakita nila ang mabilis na pagpitik ng mga suspek sa gamit ng biktima. Kaya sinundan nila ang direksyon mga ito hanggang natunton sa isang shoe store.
Agad dinampot ang mga suspek na kinilalang sina Wilson De Jose, 22 years old at Christian Jay Marquez, 22 years old. Narekober sa kanila ang mga personal na gamit ng biktima kaya agad silang dinala sa Ayala Police Sub Station.
Nahaharap sa kasong Theft ang dalawang salisi.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.