Himas rehas ngayon ang isang lalaki sa Balulang, Cagayan De Oro City dahil sa kasong pagnanakaw matapos ang isang entrapment operation na isinagawa ng mga awtoridad kahapon, Jan. 23 Lunes.
Base sa report ng Cagayan De Oro City Police Office, lumapit sa himpilan ng pulisya ang 20 taong gulang at biktimang si May Cesar upang ireklamo ang suspek na si Jalil Lucman, 49-anyos, na nagnakaw umano ng kanyang cellphone.
Ayon sa biktima, ibabalik daw ito sa kanya kung tutubusin niya ito sa suspek.
Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang biktima sa Carmen Police Station na agad namang nagkasa ng isang entrapment operation.
Nakipagmatigasan pa sa umpisa si Lucman subalit nakipagugnayan din ito sa mga awtoridad kinalaunan.
Narekober sa suspek ang isang .45 caliber na baril, magasin, at cellphone ng biktima.
Kasalukuyang nakapiit sa presinto ang suspek at nahaharap sa asunto.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.