Nakarating kay Senator Raffy Tulfo ang malungkot na balita sa pagkamatay ng isang kababayan OFW sa Kuwait.
Sa isinagawang consultative meeting kahapon, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople sa senador na isang kababayan sa Kuwait ang pinatay ng anak ng kanyang amo.
Kinilala ang biktima na si Jullebee Ranara, 35 years old, na na-deploy sa Kuwait noong July 2022. Natagpuan ang kanyang sunog na bangkay sa disyerto.
Sa pakikipag-ugnayan ng DMW sa pamilya, sinabi nito na matagal nang hinaing ni Jullebee ang pananakit at pagbabanta ng anak ng kanyang employer.
“Nakausap pa nung pamilya si Jullebee at ang sabi nga niya ang inirereklamo niya ay anak ng employer na nagmamalupit sa kanya. Nitong Linggo, doon po natanggap ng DMW yung report na natagpuan na po ang bangkay ng mahal nating kababayan.” wika ni Sec. Ople.
Hinihintay pa ng DMW ang official report, pero ng media sa Kuwait, isinuko ng ama ng suspek ang kanyang anak sa Kuwaiti authority.
Bagamat nahuli na ang suspek, nais naman masiguro ni Sen. Tulfo hindi mababasura ang kasong ito.
“Paano natin malalaman na yun talaga ang suspek? Kasi baka mamaya, naplantahan lang po nang suspek kuno, then later on ma-technical tayo, hindi naman pala talaga yun ang suspek? Mababalewala. Baka yung tunay na suspek ay hindi prinesenta sa awtoridad, at ang tinutumbok ng mga awtoridad doon ay ang false suspect. Eventually mahirapan patunayan kung di naman talaga siya at meron siyang matitibay na alibis na talagang hindi siya, ay mababalewala ang kaso.” Ani Sen. Tulfo.
Sinabi ni Sec. Ople na agad silang magpapadala ng team na susubaybay sa development ng kasong ito, kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ranara.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.