IMPOSIBLENG walang alam o baka nagtatanga-tangahan lang ang intel ng ating Department of Agriculture (DA) hinggil sa 7 kartel na binabanggit nitong si Cong. Joey Salceda.
Ito umano ang dahilan kung bakit presyong ginto ang sibuyas ngayong mga panahong ito.
Sinasabi ng kongresista, nakatengga lang daw sa loob ng subic freeport ang 50 malalaking container na puno ng mga sibuyas.
Patago raw nag-iimbak ng sibuyas ang mga lintek na kartel at sadyang patingi-tingi lang na inilalabas ang mga sibuyas para kontrolado nila ang merkado.
Lumalabas, kartel na ang nasusunod sa presyuhan kaya nagtataasan, hawak din nila sa leeg ang mga pobreng magsasaka natin, sila pa ngayon ang kumokontrol ng mga suplay – mga putok sa buho talaga!
Unti-unting pinapatay ang mga magsasaka natin ng sibuyas ng walang kalaban-laban.
Sadyang binabagsak ang presyo kapag bibilhin sa mga magsasaka, estilo para mawawalan ng gana ang mga pobreng magsasakang pinoy.
Teka nga una, meron pa ba tayong anti-smuggling task force laban sa mga smuggler partikular sa sektor ng agrikultura?
Siguro naman ay aware ang DA kung pag-uusapan ang galawan ng mga sibuyas at mga ani ng mga pobreng magsasaka natin.
Bakit hindi, eh ang galing nga nila magpaliwanag sa mga balita.
Subalit ang tanong, ginagawa niyo diyan sa DA? O baka naman puro tulog tayo sa pansitan at pakuya-kuyakoy na lang?
Palaisaipan kasi na paano nanyari na itong 50 container ng sibuyas na nasa bakuran ng subic freeport ay alam nitong si Cong. Salceda, pero hindi alam ng nasa DA?
Sige nga Cong. Salceda, humanda ka sa tawag namin. Paki-buksan ang linya mo para makapagpadala ako ng mga BITAG Investigators para pag-usapan ang mga bagay na ito.
Kailangang pangalanan, ilantad itong mga putok sa buhong kartel na ‘to.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.