Tinalakay kahapon ni Committee on Migrant Workers Chairperson at Senator Raffy Tulfo ang paglobo ng bilang ng mga Pinoy na nasa mga shelter home sa Kuwait.
“Habang sinisikap natin na ma-iuwi ang iba (distress OFW), madami pa din ang humihingi ng saklolo, na hindi pa nabibigyan ng pansin, if this is the case, hindi mababakante ang mga shelters.” wika ni Sen. Tulfo.
Isinisi ng senador ang problema sa ilang mga Foreign Recruitment Agency o fra dahilan kawalan ng aksyon sa mga problema ng mga kababayan natin sa Kuwait.
“Kapag meron tayo ofw na in distress, tatakbo sa fra, yung fra wala naman capital, walang pera, walang mga tao, itinutulak nalang po ang ating mga kababayan sa Philippine Overseas Labor Office (POLO). Itong ating mga polo, tatanggapin dahil kababayan natin, pero ang dapat talaga nagsisimula yan sa mga FRA.” Wika ng senador.
Hiningi naman ni Sen. Tulfo sa Department of Migrant Workers ang listahan ng lahat ng FRA upang alamin ang mga matitino at ang mga walang kakayahan tumulong sa mga kababayan natin nalalagay sa alanganin.
“I need to see those list isa-isa. Kung kailangan magtulungan tayong lahat. Baka yung iba di naman qualified, It’s about time, pag tatanggalin na natin ang nasa listahan na ginagamit lamang para pagkakitaan ang ating mga ofw.”
Sinabi naman DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, simula nang mag ban ang Saudi Arabia na magpadala ng mga OFWs, sa Kuwait lumipat halos ang karamihan ng mga kababayan upang doon magtrabaho.
Susubukan din nilang pag-aralan kung paano magkakaroon ng similar scheme ang Kuwait ng katulad sa Saudi Arabia at Qatar pagdating sa mga pagbibigay ng temporary shelter sa distressed OFW.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.