Maglulunsad ng programa ang gobyerno upang tulungan ang mga magsasaka ng sibuyas ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Marcos, ang programang ito ay maglalayong paramihin ang kanilang mga ani upang balansehin ang supply at pababain ang presyo ng sibuyas sa merkado.
“We’ll do this by increasing the area that is being planted to onions, number one,” wika ni Marcos sa isang sectoral meeting kahapon, Jan. 24.
“And secondly, we (Department of Agriculture) will help by providing inputs. So the first part of that is we are going to the seed producers so that they will produce good seed that we can give to the farmers at some point. Iyon ang kanilang gamitin as inputs. And all that what they need,” dagdag nito.
Ipinagpaliban ng DA ang pagpapalawig ng P250 suggested retail price (SRP) dahil sa tinatayang mababang presyo ng mga sibuyas kasunod ng panahon ng ani.
Ayon sa ahensiya, maaaring bumaba ang presyo ng sibuyas sa P100 hanggang P150 kada kilo sa pagpasok ng 5,000 metric tons ng imported onions.
Ipinunto rin ng Pangulo sa pagpupulong ang isyu ukol sa kakulangan ng cold chain storages na nakakaapekto sa supply at presyo ng sibuyas sa bansa.
“We need more cold storage, we need a better, stronger cold chain para ma-maintain naman natin, ma-preserve naman natin ‘yung agricultural products,” ani Marcos.
“So iyon ang mga plano, ‘yun ang mga ginawa namin para [sa] mga immediate needs doon sa ating mga nagtataasan na presyo ng agricultural products.”
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 23.30 MT ang produksyon ng sibuyas sa bansa noong third quarter nung nakaraang taon. Ito ay mas mataas ng 1.7MT kumpara sa 22.92 MT noong 2021.
Base naman sa suppy and demand outlook data ng DA noong 2022, nasa 120 percent ang sufficiency level ng bansa na may 312, 830 MT ng sibuyas.
Ang per capita consumption ng sibuyas sa bansa ay nasa 2.341 kg kada taon kung saan humigit kumulang 21,000 MT ang demand nito kada buwan, ayon sa PSA.
Samantala, mula Dec. 15 noong nakaraang taon, nasa 2,209.45 MT ang kabuuang stock inventory ng mga lokal na pulang sibuyas sa cold storage sa buong bansa.
Wala namang stock ng mga dilaw at imported na pulang sibuyas sa nasabing pasilidad.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.