TIMOG, QUEZON CITY – personal na lumapit sa BITAG Action Center ang isang telecom cable installer na si Arnel Calinislinisan.
Ipinaabot niya sa BITAG ang pamamahiyang sinapit daw niya sa isang residente ng kanilang subdivision. Ipinost raw siya at kaniyang mga kasamahan sa social media at umano’y pinagbibintangang magnanakaw.
Ayon kay Arnel, day-off niya noong araw na ‘yun subalit tinawagan siya ng mga kasamahan para magpatulong humanap ng bakanteng kable na gagamitin sa pag-install ng internet ng kanilang bagong subscriber.
“Hindi po ako naka-uniporme noon at wala din akong suot na ID dahil po day-off ko, nagpatulong lang ang mga katrabaho ko dahil nasa loob sila ng subdivision namin,” paliwanag ni Arnel sa program host na si Mr. Ben Tulfo.
Habang ginagawa ang paghahanap sa mga poste, natapat raw si Arnel sa isang CCTV ng kapitbahay ng kakabitan nila ng internet. Tinitingnan lamang raw ni Arnel ang mga kableng malapit sa CCTV kung ito ay active pa o putol na ang linya.
A-30 ng Disyembre 2022, ikinagulat raw ni Arnel nang makita niya sa Facebook Group ng kanilang subdivision ang kaniyang mukha.
“Sana bago kayo magpost ng ganito, tinanong niyo muna kami bago niyo kami pagbintangang magnanakaw. Kasi kami nagtatrabaho ng maayos at patas para sabihan niyo kami na modus,” hinaing ni Arnel sa residenteng nagpost.
Ang ikinababahala raw ni Arnel na maaari siyang masira sa kanilang trabaho kung saan ay ginagampanan lamang niya ang kaniyang tungkulin bilang isang internet installer. Sinubukan ng mga investigative journalist ng #ipaBITAGmo na kunin ang panig ng inirereklamong nagpakilala na isang cyber security analyst.
Hindi raw ito makakapagpa-interview ng live sa programa dahil sa pagiging abala sa trabaho. Pumayag itong ilabas sa programa ang recorded interview sa kaniya.
“I don’t care kahit sino pa nagsasalita niyan na itong taong ito ay taga-PLDT. Maniniwala lang ako ‘pag yung contractor, yung HR niya o boss niya nag-email o nagtext o tumawag sa akin na – oh tao ko yang pu*****nang ‘yan. Hanggang ngayon hindi kino-confirm, dinedeny ni PLDT na tao nila ‘yun,” sagot nito sa sumbong ni Arnel.
Kinumpirma sa BITAG ng supervisor ng kumpanyang sub-contractor ng sikat na telecom company na empleyado nila si Arnel.
Ayon kay Atty. Melanio “Batas” Mauricio, ang paggamit ng mga salitang baka, raw at marahil ay hindi ligtas sa kasong Cyberlibel.
Samantala, pinayuhan si Arnel ng spokesperson ng PNP Anti-cybercrime group na si Plt. Michelle Sabino na kapag may mga trabaho sa labas ay magsuot ng uniporme at ng kanilang mga ID upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.
Hinikayat rin ng PNP Anti-cybercrime group na opisyal ng magsampa ng kaso ang nagrereklamo.
Panoorin ang naging buong imbestigasyon ng BITAG sa sumbong na ito:
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.