Muling magkakaroon ng pagkakataon si Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. na mabawi ang kanyang world champion title.
Ito ay matapos pormal na mag utos ang World Boxing Council (WBC) ng isang title fight sa pagitan ni Donaire at ng Australian boxer na si Jason Moloney para sa bakanteng WBC bantamweight belt, ayon sa report ng Boxingscene.com
Ang 40-anyos na si Donaire at Moloney, 32, ang dalawang napili ng WBC bilang top contenders para sa titulo sa isang ginanap na pagtitipon noong Nobyembre nakaraang taon.
Si Moloney ang kasalukuyang nangunguna sa rankings ng 118 lbs division ng WBC na may kartadang 25 wins, 2 losses at 19 knockouts. Pumapangalawa naman sa kanya si Donaire na may record na 42-7, 28 KOs.
Matatandaang sinuko kamakailan ni Japanese boxing superstar Naoya Inoue ang kanyang WBC title upang umaakyat sa 122 lbs super bantamweight division.
Base sa report, ang dalawang kampo ay bibigyan ng hanggang Feb. 17 upang plantsahin ang laban at gayundin ang maiwasan ang purse bid hearing.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Winning entries of the Philippine Amusement and Gaming Corporation’s (PAGCOR) 2024 Photography Competition are now
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.