“He did a very good job… we cannot lose that kind of asset.”
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos nang tanungin sya ng media kung makakasama pa ba niyang magseserbisyo sa pamahalaan ang dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Erwin Tulfo.
Sa maikling panahon ng panunungkulan sa ahensya, humanga ang pangulo sa uri at tatak ng serbisyo-publiko ni Tulfo.
Nagsilbing itong “action man” na agarang nagreresponde at kumikilos sa mga krisis gaya ng sakuna at kalamidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Inilapit din niya ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan sa taumbayan na nangangailangan.
Sa panunungkulan ng dating kalihim, maraming beses rin na personal na nakasama niya Pangulo sa mga relief operations sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa unang pagkakataon, nitong Lunes, January 23 nagsalita na si Marcos tungkol sa naging sitwasyon ni Tulfo. Umaasa ang pangulo na makakasama pa rin nya si Tulfo sa gobyerno.
“I hope so, I hope so. Because whatever we say, difficulties that he faced with the CA (Commission on Appointments), the time that he was running the DSWD, he did a very good job. So we cannot lose that kind of asset. So we find something that he can do so we can take advantage of his good instincts when it comes to social service.”
Matatandaan noong Disyembre, itinalaga ng palasyo si Undersecretary Eduardo Punay bilang officer-in-charge (OIC) ng DSWD at naging tahimik sa estado ng dating DSWD secretary.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.