SA pag-iimbestiga ng programang #ipaBITAGmo sa isang sumbong ng internet cable installer kung saan pinost ang kaniyang mukha sa Facebook at pinaratangang baka magnanakaw raw, lumalabas na nagbibigay babala lamang ang residenteng nagpost sa social media.
Ayon sa inirereklamong nagpakilalang isang cybersecurty analyst, gusto lamang daw niyang maging aware ang mga residente sa kanilang subdivision. Ang mukha ng mga lalaking nakuhanan sa kaniyang CCTV ay ipinost niya sa FB Group ng kanilang subdivision.
Depensa ng inirereklamong nakausap ng BITAG, hindi daw kasi nakauniporme at naka-ID ang mga installer noong araw na ‘yun kaya natakot ang kaniyang anak.
At bilang babala, ipinost niya ang litrato ng mga nasabing kalalakihan subalit hindi niya pinangalanan. Isa sa mga lalaking ipinost, lumapit sa #ipaBITAGmo upang magreklamo.
Ayon sa resident lawyer ng BITAG na si Atty. Melanio “Batas” Mauricio Jr., bagamat hindi pinangalanan ang mga ipinost na mukha ng inirereklamo sa social media subalit may akusasyon, maaaring makasuhan ang nagpost ng CYBERLIBEL.
“Ang sinumang naglalabas o nagpopost ng mukha ng indibidwal sa social media, may pangalan man o wala at may akusasyongmagdudulot ng kasiraan ay maaaring maharap sa criminal case na cyberlibel,” paliwang ni Atty. Batas sa interbyu sa kaniya sa live airing ng #ipaBITAGmo.
“Ang libelo, paninirang puri ‘yan, lalung-lalo na kung hindi naman nakakatiyak sa inaakusang krimen. Lalo na ‘yan, ang paggamit ng mga salitang “marahil” o “baka”, pag-aalinlangan kung nagnakaw nga ‘yan o magnanakaw nga ‘yan o ‘di kaya kung may gagawing masama nga ‘yan. May problema po siya sapagkat inilagay pa sa social media. Kaya ‘yung ordinaryong libelo na dapat ang parusang pagkakabilanggo ay apat na taon lamang ay naging cyberlibel po siya,” patuloy na paliwanag ni Atty. Batas.
Dagdag ni Atty. Batas,
labing-pito hanggang labing-walong taon ang parusa ng pagkakabilanggo sa mga taong naninirang puri gamit ang social media o sa kahit na anong uri ng online platform
Kaya’t babala ni Atty. Batas sa publiko, “Wala pong karapatan ang kahit sino na magpost, maglagay sa social media ng mukha ng mga tao o kahit na ano pang references o pagtukoy sa mga ito na may layuning mapanirang puri at walang siguradong katotohanan.”
Napag-alaman din ng BITAG mula sa nagrereklamo na dalawang beses nang ipinatawag ang residenteng inirereklamo sa Barangay upang magpakita ng pruwebang empleyado siya ng isang telecom company. Subalit hindi raw sumisipot ang nagrereklamo.
Kinumpirma sa BITAG ng nagrereklamong installer na hanggang sa kasalukuyan ay nakapost pa din ang kaniyang mukha sa FB Group ng kanilang subdivision.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.