Isang magandang simula ang ipinakita ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa kanyang kampanya sa indoor season ngayong taon.
Nagtapos sa ikalawang pwesto ang 27-anyos na si Obiena at nasungkit ang pilak sa ginanap na Internationales Springer-Meeting sa Cottbus, Germany ngayong araw, Jan. 26 (Philippine Time)
Madaling nalampasan ng Olympic pole vaulter ang 5.77m subalit bigo naman ito sa 5.82m sa kanyang tatlong subok.
Sa simula ay tila nahirapan si Obiena na lundagin ang 5.50m matapos nitong laktawan ang 5.30m at 5.40m.
Subalit agad naman itong bumawi sa 5.67m at 5.77m na agad niyang nalukso sa unang subok.
Pumangalawa si Obiena sa two-time world champion na si Sam Kendricks ng Amerika na madaling nalampasan ang naturang height kung saan huling nabigo si Obiena.
Nakuha naman ni Ben Broeders ng Belgium ang bronze medal sa height clearance na 5.72m.
Nakatakdang muling lumundag si Obiena sa darating na 32nd South East Asian Games sa Cambodia sa Mayo. Kabilang din dito ang iba pang mga malalaking torneyo tulad ng Asian Games at World Athletic Championships.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.