Dalawampu’t dalawang taon ding pinahirapan ni dating SPO1 William Flores Reed III ang mga alagad ng batas bago siya nadakip nitong Lunes, Enero 23.
Si Reed ay isang dating pulis na itinuturing National Level Most Wanted Person ng Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa pagpatay kina Salvador “Buddy” Dacer at Emmanuel Corbito noong Nobyembre 24, 2000 sa Makati City.
Sa pagtutulungan ng Bulacan Police at Regional Special Operations Group (RSOG) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nadakip ang 57-anyos na si Reed sa Brgy. Poblacion, Pulilan, Bulacan. Bitbit ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa suspek sa kasong double murder na may petsang Mayo 25, 2001 na inilabas ni Judge Rodolfo Ponferrada. Walang nakalaang piyansa para sa kalayaan ni Reed na kasalukuyang nakapiit sa RSOG detention facility.
Matatandaan na noong Nobyembre 24, 2000, dinukot sina Dacer at Corbito sa kahabaan ng Makati City. Noong Abril 2001, natagpuan ang kanilang sunog na mga bangkay sa isang sapa sa Cavite. Nakilala ang kanilang mga katawan gamit ang mga dental record at personal na gamit.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.