Limang araw matapos matagpuan ang sinunog na bangkay ng OFW na si Jullebee Ranara sa bansang Kuwait, darating na sa bansa mamayang gabi ang kanyang mga labi.
Sa press briefing ng Department of Foreign Affairs kahapon, sinabi ni Undersecretary Eduardo de Vega na sinagot ng employer na ama ng suspek ang gastos sa repatriation ng bangkay ni Ranara. Nagpaabot naman ng tulong para sa burial at death assistance ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ganundin ang scholarship sa mga naulilang anak ni Jullebee.
Matatandaang iminungkahi ni Senator Raffy Tulfo sa kaniyang privilege speech nitong mga nakaraang araw ang kakulangan ng aksyon ng recruitment agency ni Jullebee kung kaya dapat higpitan na ng gobyerno ang screening sa mga magiging amo ng mga OFW sa ibang bansa.
“Sa kaso ni Jullebee, hindi na sana nangyari ito kung nasasala lang ng mabuti ang potensyal na employers ng ating mga OFWs. Matagal ko na po isinusulong na dapat may katumbas na security requirements ang mga nais maging employers ng mga OFWs. Kung sila (employers) ay naninigurado na ligtas sila sa nakukuha nilang OFW, dapat tayo din masigurado na ligtas ang mga kababayan natin,” ani Sen. Tulfo.
Hiningi na rin ng senador sa DMW ang listahan ng mga kwalipikado at hindi kwalipikadong ahensya.
“It’s about time, pag tatanggalin na natin ang nasa listahan na ginagamit lamang para pagkakitaan ang ating mga OFW.”
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.