Pinangalanan si Los Angeles Lakers’ superstar Lebron James at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks bilang parehong team captain sa magaganap na NBA All-Star Game sa susunod na buwan.
Ito ang ika-19 beses na maglalaro si Lebron kung saan napantayan niya na ang All-Star selection record ni Abdul Jabbar sa buong kasaysayan ng naturang liga.
Ngayon taon ang magiging ika-anim na beses ni Lebron bilang captain ball magmula nang ipakilala ang ganitong team captain format. Siya ay kumopo ng malinis na 5-0 win loss record.
Sa kabilang banda, si Antetokounmpo naman ay gigiyahan ang kanyang magiging koponan sa ikatlong pagkakataon.
Ang mga starters na napili mula Western Conference bukod kay Lebron ay sina Zion Williamson ng New Orleans Pelicans, Nikola Jokic ng Denver Nuggets, Stephen Curry (Golden State Warriors) at Luka Doncic (Dallas Mavericks).
Mula East naman ay sina Kevin Durant at Kyrie Irving ng Brooklyn Nets, Jayson Tatum (Boston Celtics), at Donovan Mitchell (Cleveland Cavaliers).
Ang naturang pilian ay nabuo sa pamamagitan ng botohan kung saan 50 porsyento ay mula sa mga fans. Habang 25% naman ang parehong nanggaling mula sa mga manlalaro ng NBA at media.
Iaanunsyo naman ang mga reserbang manlalaro na napili ng mga NBA coaches sa Feb. 2.
Dito, pipili sina Lebron at Giannis ng kanilang mga magiging kakampi sa araw mismo bago magsimula ang kanilang laro sa Feb. 17 na gaganapin sa Salt Lake City.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.