Good news, mga pet lover at furparents! Simula Pebrero 1, pwede nang isakay ang inyong mga alagang hayop sa LRT 2 ayon sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA).
Sa isang public briefing kahapon, Jan. 26, sinabi ni LRTA administrator Hernando Cabrera na papayagan na nila sa loob ng pasilidad ng tren ang aso at pusa sa ilalim ng ilang mga patakaran at kondisyon.
“Kailangan malinis… ‘yung usual na mga alituntunin, pinapatupad ng mga pet-friendly na establishment, ganoon din ‘yung policy namin na i-implement,” wika ni Cabrera.
“‘Yung policy na pinapaikot namin ngayon dapat naka-cage [ang alaga]. Kapag nakatali maaaring magkaroon tayo ng operational problem niyan sa loob ng tren o sa istasyon.”
Hindi naman hinikayat ni Cabrera ang publiko na madala ng mga malalaking alagang hayop sapagkat mahihirapan aniya ang mga itong pumasok sa loob ng tren dahil sa dami ng mga pasaherong sumasakay lalo na tuwing rush hour.
“Kapag malalaki na, mahihirapan naman nang ipasok sa tren. Siksikan kung minsan sa tren,” ani Cabrera.
Matatandaang una nang ipinatupad ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang naturang polisiya ukol sa pagdadala ng mga alagang hayop sa loob ng tren noong 2021.vv
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.