Nasa pwesto man sa gobyerno o wala, nasa dugo ng mga Tulfo ang pagtulong sa kapwa.
Sa panayam ng The Manila Times sa dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Erwin Tulfo, hindi umano siya tumitigil sa pagtulong sa mga maliliit at nangangailangan nating mga kababayan kahit wala na sya sa gobyerno.
“It runs in our blood, together with my brothers, helping out people. So long as it has something to do with public service, why not?” saad ng beteranong brodkaster.
Sinabi ni Tulfo, kung muli man daw siyang aalukin ng pwesto sa pamahalaan, hindi umano siya magdadalawang isip na tanggapin ito, sa ngalan ng serbisyo publiko.
“As long as it has to do with public service, I am always available and ready to help the government because even though I’m already out of the DSWD, there’s a lot of people outside our offices. I’m talking about our ACT-CIS [Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support] party-list,” dagdag pa ni Tulfo.
Hindi din aniya siya nagsisisi na tinanggap niya ang alok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang manalo ito sa pagka-presidente.
Nitong Lunes, nagsalita si Pangulong Ferdinand Marcos tungkol sa naging sitwasyon ni Tulfo sa administrasyon nito. Bagamat naging malaking hamon daw ang hindi ang pagkumpirma ng Commission on Appointments (CA) sa dating kalihim,, humanga ang pangulo sa mahusay at epektibong pamumuno niya sa pamamalakad sa DSWD.
Related news: https://bitagmedia.com/rsca
Nang tanungin si Tulfo tungkol sa isyung hindi pag-aprub ng CA sa kaniya sagot niya, “on the CA, there are staff, the Secretariat would go around and interview those candidates, so like me, they came to my office and interviewed me, I have nothing to lie [about]. I was not that prepared because there was no lawyer behind me to answer those questions. So I felt like hindi ako napakinggan.”
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.