Isang grupo ng mga merchandiser ng isang kilalang grocery store ang nagbigay ng hinaing sa public service program na #ipaBITAGmo.
Anila, sa mahigit na isang dekadang pagtatrabaho ay natuklasan nilang kulang-kulang ang hulog sa kanilang mga benepisyong SSS, PAG-Ibig at Philhealth.
“Yung iba po sa amin pati 13th month pay ay wala pa po hanggang ngayon,” ayon sa tagapag-salita ng kanilang grupo na si Nervin Sablas, 12-taon nang empleyado ng Manpower for Advertising Services Agency (MASA)
Dagdag ng mga merchandiser dahil hindi nahuhulugan ng tama ang kanilang mga benepisyo, ay hindi rin daw sila makapag-apply sa mga loan o pautang na inaalok ng gobyerno.
“Matagal na po kaming humihingi ng follow up. Updated sila magkaltas pero hindi sila updated sa paghuhulog” ayon naman kay Christopher Ariston, 2-taon ng merchandiser.
Sa personal na pkikipanayan ng program host na si Mr. Ben Tulfo sa mga nagrereklamo, hindi umano biro ang pagod na kanilang nararanasan sa pagtatrabaho.
“Mabigat po talaga yung trabaho namin at ginagawa namin ng tapat . Pinagsisikapan naming ang lahat bilang isang merchandiser” paliwanag ng mga merchandiser.
“Ang agency ay kumikita inyo (merchandiser). Kapag hindi inayos ng agency ang mga problemang tulad nito, maapektuhan din sila dahil mawawalan sila ng empleyado, mawawalan sila ng kita, sasakit pa ang ulo nila sa problema,” paliwanag ni Ben Tulfo.
Dagdag pa ni Ben Tulfo, “kayo ‘yung kanilang yaman. Isipin mo kung wala kayong mga empleyado, ano na lang ang kikitain nila dahil importante ang serbisyo ninyo.”
Samantala, tinawagan ng BITAG ang Manpower for Advertising Services Agency (MASA) para kunin ang kanilang panig sa sumbong na ito.
Bagamat pumayag na makausap sa ere, nangako ang mga opisyales ng MASA na aayusin at babayaran ang mga benepisyo ng mga merchandiser.
Matapos ang tatlong araw ay ibinalita ng agency sa BITAG na nahulugan na ang mga kulang-kulang na benepisyo ng mga nagrereklamong merchandiser.
Ang kabuuan ng sumbong at solusyon sa sumbong na ito, panoorin:
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.