Simula edad 12, makakaranas na ng iba’t-ibang pagbabago sa katawan ang isang babae.
Kabilang dito ay ang pagkakaroon ng buwanang dalaw o regla o menstruation. Ito ang panahon kung saan natural na inilalabas ng katawan ang dugo at sapin sa matris buwan-buwan.
Kadalasan, tumatagal ito ng dalawa hanggang pitong araw at nagaganap sa pagitan ng 21-35 days.
Kaya naman ang 17-anyos na si Marielle Llanos, labis ang pagkabahala dahil umaabot daw ng mahigit isang buwan tuwing siya’y magkakaregla.
Labing tatlong taong gulang daw noon ang Cebuanang si Marielle nang una siyang datnan ng dalaw. Subalit makalipas ang isang taon, tila naging abnormal daw ang kanyang monthly period.
“Noong nag grade 8 ako doon na ako kinabahan talaga. Nagtaka ako bakit sobrang lakas. Sabi ni mama hintayin lang daw namin kung kailan titigil yung regla ko pero lumipas na ‘yung 1 month and a half hindi parin tumigil,” kwento ni Marielle sa Bitag Multimedia Network.
Nakaramdam daw ng labis na panghihina ng katawan si Marielle buhat ng kakulangan sa dugo. Bukod sa limitadong kilos at galaw ay naapektuhan din daw ang kanyang pag-aaral.
“As an honor student, ang epekto niya sa akin is bumaba yung self esteem ko,” wika ni Marielle. “Kapag tinagusan ako talagang makikita kaya nahihiya ako sa mga kaklase ko. Hindi ako makaka perform ng maayos sa school.”
Ayon sa isang obstetrician-gynecologist, ang menstruation ay maituturing na iregular kung paiba-iba ang araw na tumatagal ang iyong regla. Gayundin daw kung pabago-bago ang lakas at interval nito.
Ang iregularity sa period ay may kinalaman sa hormones. Ayon sa eksperto, maraming posibleng dahilan kung bakit nararanasan ito ng ilang mga kababaihan.
Iilan dito ay pagbubuntis, stress, labis na pag eehersisyo, kakulangan sa nutrisyon at pag inom ng mga gamot tulad ng mga antidepressants at steroids.
Kasama rin dito ang pagkakaroon ng Polycystic ovary syndrome (PCOS) at problema sa thyroid tulad ng hyperthyroidism at hypothyroidism.
Payo ng eksperto, huwag daw babalewalain ang irregular period dahil baka sintomas o bahagi na ito ng isang problema sa inyong reproductive system.
Kaya naman para makasiguro, mas mainam na agad magpakonsulta sa ob-gyne upang malaman kung ano ang pinakaangkop na gamot para sa iyong kalagayan.
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.