Dumating na bansa kagabi ang mga labi ni Jullebee Ranara, ang OFW na pinaslang at sinunog ng 17 years old na anak ng kanyang employer sa Kuwait .
Sinalubong ito ng mga kawani ng Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration at ni Senator Raffy Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Migrant workers.
Sa harap ng media, sinabi ni Sen. Tulfo, nais nilang magpatupad muna ng total deployment ban bago magkaroon ng bilateral talks sa gobyerno ng Kuwait.
Nais din n g Senador na magkaroon ng mga kondisyones gaya ng screening sa mga employer hindi lang sa Kuwait maging sa mga high-risk countries.
“Dapat magpakita sila ng patunay na malinis ang kanilang record, ang gusto ko i-suggest sa lahat ng employer that they have to submit the document na pumasa sila neuro psychiatric exam, not only that, pati yung kanilang member ng household, kasi dito kay Jullebee, in fairness naman sa amo (mag-asawa) mabait naman daw, yung luko-luko yung 17 years old na anak.” pahayag ni Sen. Tulfo.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Susan Ople, sasailalim ang mga labi ni Jullebee sa autopsy ng National Bureau of Investigation – base na rin sa hiling ng pamilya ng biktima.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.