Halos isang buwan matapos ipatupad ng National Telecommunication Commission (NTC) ang simcard registration, tinatayang 25,501,290 na ang bilang ng mga nakapag-rehistrong user.
Bagama’t mahigit 25 milyong sim cards na ang nakarehistro, katumbas lamang ito ng 15.09 porsiyento mula sa inaasahang 168,977,773 SIM card sa buong bansa.
Kaya patuloy na panawagan ni Information and Communications Technology Undersecretary Anna Mae Lamentillo, irehistro na ng mga subscriber ang kanilang SIM card upang makaiwas sa mga electronic communication-aided crime katulad ng mobile phishing at text spam.
“The DICT is working tirelessly to ensure inclusion in SIM Registration for convenient and effective nationwide implementation. With this, SIM Registration is a step towards a safer cyberspace and the country’s digital transformation, as envisioned by President Bongbong Marcos Jr.,” pahayag ni Lamentillo.
Samantala, nakita din ng DICT na humina na ang bentahan ng mga sim cards simula ng ipatupad ang SIM Registration Act.
“Since nag-announce tayo nito, bumagsak ang bentahan ng SIM Cards dahil dati itong mga scammers, itong mga sindikato, bili nang bili ng SIM card tapos tapon.” paliwanag ni DICT Secretary Ivan Uy.
Muli ding nagpaalala ang DICT sa mga subscribers na iparehistro ang mga SIM Cards upang maiwasang ma-deactivate ang mga ito.
Sa Abril 26, 2023 ang huling araw ng registration.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.