Kung ikaw ay nakakapansin ng maumbok at naglalakihang mga ugat sa iyong binti, maaaring senyales na ito ng varicose veins.
Ito ang kondisyon na dating kinaharap ng 45-anyos at casino supervisor na si Zaldy Aviles ng Lapu-lapu, Cebu. Tinubuan siya ng varicose veins sa kaniyang dalawa ng binti.
Duda ni Zaldy, ang kanyang trabaho sa Casino ang naging dahilan ng pagkakaroon niya ng varicose veins sa paa.
“Bilang isang supervisor sa casino halos walong oras kang nasa area nakatayo at nag iikot. Kapag nananalo ‘yung mga customer, dapat parati kang nandyan kasi ikaw yung pinakahuling personnel na magva-validate ng kanilang mga winnings,” pagkukuwento ni Zaldy sa programang TOTOO ng BITAG Multimedia Network.
Araw-araw, labis na pinahirapan si Zaldy sa kirot na dulot ng mga naglalakihang ugat sa kaniyang binti. Nagdesisyon Siyang sumailalim sa isang surgery upang mapatanggal ang mga ito.
“Nagpa-checkup ako kasi masakit halos hindi na ako makatayo, hindi na ako makatulog kapag kumirot siya. Hindi na makuha sa gamot kailangan na talaga operahan, yun ang advice sakin ng doktor,” kwento ng Cebuano.
“Dalawang araw ako sa ospital. Ang ginawa nila yung unang paa ko muna yung inoperahan nila tapos inischedule naman ulit yung isa.”
Paano nga ba nakukuha ang varicose veins? Maiiwasan nga ba ang pagkakaroon nito?
Ayon sa isang espesyalista, ang varicose veins ay sanhi ng panghihina ng balbula ng ugat kung saan hindi nagiging maayos ang daloy ng dugo pabalik sa puso.
Dahil dito, naiipon ang dugo sa ugat na nagiging sanhi ng pamamaga nito.
Kadalasan, ang mga binti ang pinaka naaapektuhan ng varicose veins dahil ang mga ugat dito ay ang pinakamalayo sa puso.
Ang pagtayo sa mahabang oras, pagbubuntis at labis na katabaan ay iilan sa mga maaaring dahilan nito.
Kung ang inyong mga magulang naman ay may varicose veins, malaki rin ang tyansa na magkaroon kayo nito dahil ito ay namamana.
Kaya naman upang makaiwas sa pagkakaroon ng varicose veins, payo ng espesyalista: “Iwasan ang tumayo sa mahabang oras. Panatilihin din na nasa tama ang inyong timbang at regular na magkaroon ng physical activities at least tatlong beses sa isang linggo.”
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.