Ikinagulat ng mga residente sa Bacolod City ang nakitang dalawang putol na kamay ng tao sa loob ng isang container ng ice cream.
Sa paglalarawan, nakababad ang mga parte ng katawan sa sabaw at may kasama pang sahog. Natagpuan ito sa basurahan na malapit sa material recovery facility ng Purok Kagaykay, Barangay 2, Bacolod City noong madaling araw ng Miyerkules. May nakita din papel na may nakasulat na mga pangalan ng mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga.
Ayon sa report, karamihan sa mga pangalan na ito ay dati nang nakulong dahil sa droga.
Base sa kuha ng CCTV, isang putting van ang huminto sa tinukoy na basurahan kung saan natagpuan ang putol na kamay. Posible umanong ang mga sakay nito ang nag-iwan ng lalagyan ng ice cream.
Hindi naman malinaw sa kuha ng CCTV ang plaka ng sasakyan at ang mga sakay nito.
Kasalukuyang isinasailalim sa DNA testing ang dalawang natagpuang kamay ng tao ganundin ang pagbeberipika sa mga pangalang nakalista sa papel.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.