Kasunod ng malagim na pagpatay sa overseas Filipino worker (OFW) na si Jullebee Ranara sa bansang Kuwait, muling susuriin at rerepasuhin ng Philippine government ang Bilateral Labor Agreement (BLA) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Layunin ng BLA na maprotektahan ang kaligtasan at kapakanan ng mga kababayan nating OFW na nagta-trabaho sa nasabing bansa. Ayon sa DMW, una nilang uusisain ang recruitment process at standard ng mga local recruitment agency at susuriin na rin ang kanilang mga track record.
Nakatakda namang magpadala ang DMW ng fact-finding team sa Kuwait kailan po? upang tingnan ang naging aksyon o performance ng Migrant Workers Office (MWO) sa pagresponde nila sa mga welfare case ng mga distressed OFWs doon. Ang MWO ang dating Philippine Overseas Labor Office o POLO.
Samantala, mariing nilinaw naman ni Migrant Workers Secretary Susan Ople na social dialog at hindi deployment ban ang unang hakbang upang maresolba ang labor concern sa Kuwait.
“Pag nag-impose ka kasi ng deployment ban, you are sending a message that ‘Kuwait is not suitable to our workers.’ Parang sinasabi mo, ‘Galit-galit tayo.’ ‘Di ba? ‘Hindi kami magpapadala sa inyo.’ And naiintindihan namin na mayroong ganoon dahil nga sobrang galit natin sa nangyari, ‘yun ang gustong gawin,”. Ngayon, ang dapat ayusin, ‘yung agenda ng pag-uusapan. Sa tingin namin, mas advantageous sa mga workers natin na nandoon, na patuloy kaming nag-uusap with Kuwait,” ayon sa kalihim.
Matatandaan na una nang nanawagan si Senator Raffy Tulfo ng total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait. Isinusulong din ng senador na higpitan ng pamahalaan sa pag-screen sa mga dayuhang employer sa mga high-risk country na naghahanap ng mga domestic helper mula sa Pilipinas.
RELATED STORY: https://bitagmedia.com/cbz2
Samantala, iniulat naman DMW Undersecretary Bernard Olalia na naglabas na ang ahensya ng preventive suspension laban sa employer ni Ranara sa Kuwait. Ibig sabihin, hindi makakapag-hire ang kanilang pamilya ng mga manggagawang Pilipino.
Sasampahan na rin ng magkahiwalay na kaso ang dalawang recruitment agency ni Ranara, ang Catalist International Manpower Services Co. at Kuwait-based counterpart nitong Platinum International Office for Recruitment of Domestic Manpower matapos makita sa isinagawang imbestigasyon na hindi nila minomonitor ang kalagayan ng kanilang manggagawa.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.