Arestado ang 19-anyos na lalaki matapos nitong pagsasaksakin at mapatay ang isang babae sa loob ng isang hotel sa Sta. Cruz, Manila
Ayon sa Manila Police District (MPD), natagpuan sa sahig ng hotel room ang duguang katawan ng biktimang si Marilou Lagidao Baldres, 32-anyos bandang alas dos ng madaling araw noong Jan. 29.
Tinukoy naman ang suspek na si Naif Dumare Imam, residente ng Quaipo, Manila
Batay sa isinagawang imbestigasyon, pumayag umano ang biktima na mag check in sa hotel kasama ang suspek sa halagang P400.
Subalit kinalaunan, nagtalo ang dalawa sa napagkasunduang halaga.
Isang empleyado naman ng nasabing hotel ang nakasaksi sa nangyaring krimen na naging susi sa mabilis na pagkaaresto ni Imam.
Ayon sa imbestigador ng kaso na si Cpl. Errhol Aguila, labing tatlong tama ng mga saksak ang tinamo ng biktima mula sa suspek.
Giit naman ng suspek, dinepensahan lang daw umano nito ang kanyang sarili sa biktima na siyang may ari ng narekober na kutsilyo.
Nahaharap sa kasong murder si Imam na kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.