Isang babaeng pasahero ng Davao International Airport ang inaresto ng mga awtoridad dahil umano sa bomb joke nitong Linggo.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), inaresto ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEU) ang 59-anyos na suspek na si Annabelle Macose, pasahero ng Cebu Pacific Flight 5J97.
Dinala ng mga awtoridad si Macose sa Sasa Police Station kung saan siya ay kwinestyon at inimbestigahan.
Humingi naman ng tulong ang naturang flight na may lulan na 221 pasahero sa Davao Control Tower para sa pagpapaigting ng seguridad.
Dahil dito, dinala sa isang isolated area ang eroplano at pinababa ang natitirang 220 na mga pasahero.
Bukod dito, muling ininspeksyon ang lahat ng kanilang mga bagahe bilang bahagi ng security protocol.
Nakatakda sanang lumipad patungong Maynila ang naturang flight bandang 6:45 pm ng gabi subalit na-delay ito ng halos tatlong oras dahil sa nangyaring insidente.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.