Dumating kagabi sa bansa si US Defense Secretary Lloyd Austin para sa isang pagpupulong na tatalakay sa pagpapaigting ng alyansa ng Pilipinas at Amerika.
Ito ang ikalawang pagkakataon na bumisita ang senior US official sa Pilipinas magmula noong taong 2021.Sinalubong si Austin sa airport ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson.
Nakatakdang makipagkita si Austin kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa isang courtesy call.
Makikipagpulong naman ang US Defense Chief kay National Defense Secretary Carlito Galvez Jr, Foreign Secretary Enrique Manalo at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Andres Centino.
“Wheels down in the [PH flag] Philippines where I’ll meet with Secretary of National Defense Galvez & other senior leaders to build on our strong bilateral relationship, discuss a range of security initiatives, and advance our shared vision of a #freeandopenpacific,” ani Austin sa kanyang twitter.
Inaasahang tatalakayin sa mangyayaring pagpupulong ang pagpapaigting sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA. Ang EDCA ay isang kasunduan na magpapahintulot sa US military na magsagawa ng mga aktibidades at pasilidad sa iilang kampo sa bansa.
Ang Pilipinas at Amerika ay may kasunduang militar na pinirmahan taong 2014 kung saan inaasahan na magtutulungan ang bawat isa sa oras ng pag atake o giyera.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.