HINDI ako naniniwala sa diplomacy na sinasabi ng Department of Migrant Workers (DMW).
Para sa akin, you only apply diplomacy when you have a leverage. Hindi ‘yung diplomacy by subserviency.
Sa hepe ng DMW, sorry ma’am pero hindi sapat ang sorry lang.
Bakit hindi na kung buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit.
Kaya tama si Senator Tol Raffy Tulfo, hindi dahil sa kapatod ko siya. Sang-ayon ako sa deployment ban ng mg OFW lalung-lalo na ng mga household worker sa Kuwait.
Alam kong maraming kababayan natin ang kokontra dito. Pero ‘wag kayong magagalit sa pananaw naming ito dahil sigurado ako- mauulit at mauulit pa ‘to.
Hindi lang pera o blood money ang katapat ng buhay na kinitil. Dapat, matulis nang espada.
I mean, seriously and unfiltered, idikdik niyo sa kukote niyo diyan sa DMW.
Pasintabi’t mawalang galang lang ulit. Babae din po kayo Sec. Toots Ople. Dapat nga ay ipinaglalaban niyo ang karapatan at dignidad ng kababaihan.
Bagamat nirerespeto ko ang social dialogue na sinasabi niyo, hindi ako sang-ayon.
Hindi po presyuhan ng serbisyo’t produkto ang pinag-uusapan dito. Hinalay, pinatay, sinunog at itinapon sa disyerto ang kababayan natin.
Ang “diplomatic negotiation” o “social dialogue” ay para magkasundo sa presyo ng produkto o serbisyo ang dalawang bansa.
Ang dapat gawin, bumisita dito sa Pilipinas ang mga opisyales ng Kuwaiti government para makipag-usap ng masinsinan at humingi ng kapatawaran.
Kung tutuusin, mas kailangan nila tayo, ang ating serbisyo- kaysa kailangan natin sila.
‘Yung mga OFW na nasa Kuwait na at masuwerteng nakakuha ng mabuting employer, manatili kung gusto nila.
‘Yung mga bagong ipapadala sa putok na bansang ‘yan, teka muna. Baka sa mga ugaling animal na naman mapunta ‘yan.
Kaya ang paniwala ko at paniwala ni Sen. Tol raffy, iisa lang. Umpisahan at ipatupad na ang OFW deployment ban sa kuwait, period!
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.