Tahasang isinumbong ng grupo ng Chinese Nationals sa mga mambabatas ang umano’y namamayagpag na modus operandi ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ng paghiling na permanente nang suspendihin ang “visa upon arrival” para sa mga Chinese.
Ibinunyag ito ni “Ka Kuen Chua” chairman ng Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) sa Senate hearing ng Public Order and Dangerous Drugs Committee sa Senado. Ayon sa kaniya, maaari na umanong burahin ang mga pangalan ng mga blacklisted na mga Chinese sa BI list kapalit ang isang milyon hanggang limang milyong ibabayad sa mga BI personnel. Ikinababahala daw ng MRPO na pawang ina-advertise pa ito sa mga Chinese social media platform.
Maliban dito, sinabi rin ni Chua na may mga “den of inequity” sa Pampanga at Cavite na pino-protektahan ng mga opisyal ng pulis. Mismong mga kababayan nya raw ang nagsumbong sa kaniya na biktima ng mga gang.
Ang nakakabahala pa raw, ang mga pulis at fiscal pa ang mga nag-aayos ng affidavit of desistance ng mga Chinese na biktima ng mga pang-aabuso na gustong i-withdraw ang kaso.
Dahil dito, hiniling ni Chua sa gobyerno ng Pilipinas na itigil na ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Nagiging pugad lang daw kasi ito ng mga Chinese worker na nagiging biktima ng extortion, human trafficking, kidnapping, abduction, prostitution, torture at murder. Ang itinuturo nyang nasa likod nito, mga sindikato at Chinese recruiters.
Sinabi naman ni Senator Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa, chairman ng COmmittee on Public Order and Dangerous Drugs ng Senado na agad nila ng imbestigahan ang mga alegasyon na ito sa Immigration.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.