Sa halip nga naman maiyak sa presyo ng sibuyas, dinaan nalang ng ilang netizen sa biro ang sobrang mahal na presyo ng sibuyas.
Ang sibuyas daw kasi, naging kapresyo na ng ginto.
Buwan ng Disyembre 2022 at Enero 2023, pumalo sa higit P700 kada kilo ang pulang sibuyas dahil sa kakulangan ng supply at mataas na demand.
Sa kabila ng mahal na presyo ng sibuyas, may maliliit na negosyanteng “sumugal” at sinubukang maging reseller ng sibuyas sa pag-aakalang kikita ng malaki.
Isa na ito si Rhealyn Bolo na mula sa Bicol, lumapit sa public service program sa telebisyon na #ipaBITAGmo.
Enero 6, 2023 nang umorder si Rhealyn ng 1,200 kilo ng sibuyas sa isang supplier sa Ilocos Sur na nagkakahalagang P282,000.
Sakay ng Partas Cargo Bus, ipinabiyahe ni Rhealyn ang mga sibuyas na umabot sa 120 bags patungong Pasay, Manila.
Mula sa Pasay ay umarkila si Rhealyn ng delivery van sa isang trucking services na nakita niya sa Facebook.
Kinontrata niya ang delivery van na dalhin ang mga sibuyas papunta sa kaniya sa Albay, Bicol.
Ang problema, sa halip na ibiyahe sa kinaroroonan ni Rhealyn sa Bicol ang kaniyang mga sibuyas, dinala raw ito ng driver ng delivery van patungong Bulacan.
Paano nga ba nangyari ito?
Biktima nga kaya si Rhealyn ng grupo ng mga scammer? O ‘di naman kaya ay naharang ang mahigit isang toneladang sibuyas ng agricultural checkpoint ng mga pulis?
Abangan ang buong detalye ng sumbong at imbestigasyong sa #ipaBITAGmo sa IBC TV13, alas 10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.