• Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
  • Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
VOLUNTEER FIRE TRUCK AT RESCUE VAN, NA-TOW, PINAGMULTA NG P12K
January 29, 2023
Pinaluhod muna bago ikinulong; KAHERA SA GAS STATION, INAKUSAHANG NAGNAKAW
February 4, 2023

PUBLIC SERVICE VLOGGER, IPINA-BITAG!

February 1, 2023
Categories
  • Bitag Exclusives
Tags
  • Bitag Exclusives

Nagkalat na sa social media ang mga nag-aalok ng kanilang serbisyo publiko, ginagaya ang mga lehitimong public service program na mapapanood sa mga tv network.

Ayon sa program host ng public service program sa telebisyon na #ipaBITAGmo na si Mr. Ben Tulfo, dumadami ang reklamong natatanggap ng kaniyang tanggapan laban sa mga vloggers.

“Marami po ang naba-vlog, serbisyo, legal, public service, iba-iba ‘yan. Malalaman niyo kung sino ang lehitimo, kung sino ang may motibo. Sa lahat ng nagba-vlog, walang masama sa pagtulong, siguraduhin niyo lang na ‘di kayo aabot sa amin.” ani Mr. Ben Tulfo.

Ilan daw sa mga inirereklamong vlogger, tumatanggap ng pera sa mga lumalapit sa kanilang public service kuno gamit ang social media.

Ang Pyra Lucas in Action, isang public service-vlog, inireklamo ng OFW na si Lerna Huang sa #ipaBITAGmo.

Hiningian daw siya ng vlogger na si Pyra Lucas ng P80,000.

Ang pera ay pambayad raw sa geodetic engineer na susukat ng lupa ni Lerna kung saan ginawang daanan ng road widening ng DPWH.

September 2022, tinanggap raw ng inirereklamong vlogger ang pera. Subalit, January 2023 na ay pa raw aksiyon ang nasabing public service vlog.

“Ang serbisyo publiko, libre. ‘Pag ika’y tumanggap na ng pera, may bahid ka na. Negosyo na yan. Dapat ang serbisyo publiko, dinadaan sa tamang proseso. Kung gusto mo tumulong, magbigay ka ng advice pero kumunsulta ka sa mga abogado, accountant, sa lokal na pamahalaan, alamin mo lahat. ‘Wag ‘yung akala mo ganun lang, gagayahin mo sinu-sino,” birada ni Mr. Ben Tulfo.

Samantala, handa namang tumulong ang Kapitan ng Barangay na si Chairman Levy Tadeo sakaling kailanganin ni Lerna ng tulong sa kaniyang problema sa lupa.

“Lahat po ng tulong na pwedeng maitulong dito sa barangay, tutulungan ko po kayo. Kung ‘yun pong pagsusukat mo ay may nanggugulo, ako mismo kasama ng mga barangay council ko at ng bantay bayan ang mamumuno kung papaano masusukat ng mabuti ‘yung lupain niyo.” Saad ni Chairman Levy Tadeo.

Kap. Levy Tadeo, Brgy. Lourdes, Bamban, Tarlac

Babala naman ng Municipal Assessor ng Bamban Tarlac, may sinusunod na tamang proseso para sa lahat ng mga may-ari ng lupaing apektado ng mga proyekto ng gobyerno.

Kailangang ihanda ang mga dokumento na magiging patunay kung sino ang nagmamay-ari nito.

Sa panig naman ng contractor ay maghahanda ng pondo bilang danyos o kabayaran sa maaapektuhang lupa o pag-aari.

Sa huli ay muling nakiusap ang nagrereklamong OFW na si Lerna na ibalik ni Pyra ang perang ibinayad niya dito sa kawalan ng serbisyo.

“Ibalik mo na lang po pera ko para matapos na ang problema natin kasi tatlong buwan na ako naghintay sa inyo. May anak din ako sa Taiwan na hinihintay ako tapos pag-uwi ko pala dito ‘yung tulong na ginawa niyo sa akin ganyan lang. Balik niyo na lang po pera ko, ‘di naman ako nangailangan ng argumento sa inyo.”

Mensaheng iniwan naman ni Mr. Ben Tulfo kay Pyra Lucas, “Wala ka pang serbisyong ginugol sa kaniya, nagagalit ka na. Makinig ka! Kapag ako nagalit sayo malilintikan ka. Hindi kita pinapahiya, tinutulungan ko ito. Kung gusto mo maging bahagi ng solusyon at hindi maging problema, ibalik mo ang pera ng sa ganun hindi siya mangonsumisyon. Ibalik mo ang pera, wala ka pang nabibigay na serbisyo.”

Recent News

PHILHEALTH AND DEPED FORGE PARTNERSHIP TO ENSURE HEALTH COVERAGE FOR ALL LEARNERS
National News
May 15, 2025

PHILHEALTH AND DEPED FORGE PARTNERSHIP TO ENSURE HEALTH COVERAGE FOR ALL LEARNERS

In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 
National News
April 29, 2025

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 

With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL
National News
April 29, 2025

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL

Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng  Outpatient

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES
National News
April 22, 2025

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES

The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS
National News
April 15, 2025

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS

PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino.  “Nais naming ipaabot

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR
National News
April 9, 2025

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR

LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March

Share

Social Links

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com


All Shows

  • Bitag New Generation
  • Crime Desk
  • Pinoy US Cops


News and Current Affairs

  • #ipaBITAGmo
  • BITAG Live
  • BMN News

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved


News and Current Affairs


All Shows

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved