Umaapela ngayon sa mga kritiko ang ang bagong itinalagang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Valenzuela First District Rep. Rex Gatchalian
Sa isang panayam sa Teleradyo kahapon, mariing pinabulaanan ni Gatchalian ang ilang komento na malaki ang naging impluwensiya ng kanyang pamilya sa kanyang pagkakaluklok sa posisyon.
Giit ni Gatchalian, inilagay sya bilang kalihim ng DSWD dahil marahil sa kanyang 15 taong karanasan sa serbisyo publiko kung saan tatlongtermino o siyam na taon siyang nanilbihan bilang alkalde ng lungsod ng Valenzuela .
“Ang nakita siguro sa akin ng Pangulo is the merit of my credentials and my experience as local chief executive and legislator. Iyan siguro yung nakita nilang skill set sa akin kaya ko nakuha yung posisyon,” paliwanag ni Gatchalian.
“Makikiusap nalang muna ako sa mga kritiko at mga nakatingin na bigyan niyo muna ako ng chance to perform. Give me a chance as DSWD Secretary,” apela ng bagong Kalihim.
Enero 31 nang pormal na nanumpa si Gatchalian bilang bagong pinuno ng ahensiya matapos siyang iiluklok sa puwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Samantala, malugod namang tinanggap ni dating DSWD Secretary Erwin Tulfo ang pagkakatalaga kay Gatchalian bilang bagong kalihim ng departamento.
“I believe the President made the right choice of putting or appointing Congressman Gatchalian as the new DSWD secretary. I believe, DSWD will be in good hands and I believe that social services will always come on time, especially during calamities,” saad ni Tulfo.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.