Nakatakdang magharap ang dalawang dating world champion na sina Mark Magsayo at Brandon Figueroa para sa World Boxing Council (WBC) interim featherweight title sa March 4 sa Ontario, California.
Malaki umano ang pananabik ng 27-anyos na si Magsayo na makabalik sa loob ng ring matapos nitong matikman ang kanyang unang pagkatalo kay Mexican veteran boxer Rey Vargas noong nakaraang taon.
Hulyo 2022 nang isuko ni Magsayo ang kanyang WBC featherweight title kay Vargas matapos itong mabigo sa mehikano via split decision sa scorecard na 114-113, 112-115, at 112-115.
May kasalukuyang kartada na 24 wins at 1 loss si Magsayo kung saan 16 dito ay panalo via knockout.
Samantala, mayroon namang 23-1-1 (win-loss-draw record) at 18 knockouts ang dating superbantam weight champion na si Figueroa.
Huli itong sumabak sa aksyon sa co-main event ng bakbakang Magsayo-Vargas kung saan pinataob nito ang American boxer na si Carlos Castro sa ika-anim na round.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.