Sinuspinde muna ng Department of Migrant Workers (DMW) ang accreditation ng mga bagong foreign recruitment agencies (FRAs) sa Kuwait kasunod ng brutal na pagpatay sa Pinay domestic helper na si Jullebee Ranara.
Kinumpirma ito kahapon ni Migrant Workers Spokesperson Toby Nebrida kaalinsunod ng pagpapatupad ng ahensya ng mga bagong regulasyon para sa mga FRA.
Sa isang advisory, inihayag naman ni Kuwait-based Migrant Workers Office (MWO) officer-in-charge na si Catherine Duladul na nirerepaso nila ang mga kasalukuyang accredited foreign recruitment agencies (FRAs) sa naturang bansa pati na ang paraan ng pagpo-proseso ng accreditation, job orders at kontrata.
Nilinaw din ni Duladul na tanging ang mga dayuhang recruitment agency na may malinis na rekord lang ang pinahihintulutang magsumite ng mga aplikasyon para sa pagproseso.
Sa ilalim ng bagong regulasyon, ang pagpoproseso ng mga individual employment contracts ay limitado lang sa 20 bawat linggo para sa bawat FRA. Kinakailangan din muna nilang makakuha ng clearance sa opisina ng DMW bago magsumite at magproseso ng mga karagdagang job order. Maliban dito, obligado na rin silang magsagawang monthly monitoring report sa kanilang mga naka-deploy na manggagawa.
Matatandaang isinisi ni Senator Raffy Tulfo ang problema sa ilang mga FRA sa kawalan nila ng aksyon sa mga problema ng mga kababayan natin sa Kuwait. Hiningi din ng senador sa DMW ang kanilang mga listahan para matukoy ang mga matitinong foreign agency at ang mga walang kakayahang tumulong sa mga OFW.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.