Inimbestigahan kamakailan sa Senado ang umano’y panggigipit ng isang sikat na department store sa kanilang cashier na na-short sa kaniyang surrendered cash.
Sa naganap na pagdinig ng Senate Committee On Labor, Employment At Human Resources Development noong January 30, ginisa ni Sen. Raffty Tulfo ang dalawang representante ng department store.
Ani ng Senador, lumalabas na malinis ang auditing at walang nakitang ebidensiya na kinuha ng cashier ang nagkulang na pera kaya hindi na dapat pang gipitin ito.
Samantala, taong 2020 mas malala ang sinapit ng isang kahera ng gas station sa kamay ng kaniyang bisor.
Pinagbintangan ang kaherang si “Maureen” na nagnakaw matapos mapag-alamang kulang ng P3,191.76 ang kaniyang kita sa araw na ‘yun.
Sa sumbong ni Maureen sa BITAG, agaran daw siyang dinala sa Barangay ng kanyang supervisor. Sa pag-aakalang ibablotter lamang ang pangyayari, sumama si Maureen sa Barangay.
“Sa harap ng Barangay, nakikiusap po ako sa supervisor na kung pwede bayaran ko na lang kada sahod. Hindi po pumayag ang supervisor ko, dinala niya ako sa sub-station sa Sucat at nag-file po sila ng Qualified Theft,” salaysay ni “Maureen” kay #ipaBITAGmo program host Ben Tulfo.
“Lumuhod po ako sa harap nila. Nagmamakaawa po ako pero hindi po talaga sila pumayag. Anim na araw akong ikinulong dahil doon,” hagulgol ni Maureen.
Idinismiss ng ng hukuman ang kasong qualified theft laban kay Maureen dahil sa insufficiency of evidence o kawalan ng ebidensiya sa kasong isinampa sa kaniya.
“Ni-review po ang CCTV, nakitang wala akong kinuhang pera at na-short lang po talaga ako. Gusto ko po makuha ang hustisya na ginawa nila sa akin dahil wala akong ninakaw.”
Bukod sa kasong qualified theft at pagkakakulong, ipinost ang mukha ng nagrereklamong kahera sa gas station at iba pang branches nito. Sa nakapost na litrato ni “Maureen,” nakasulat ang mga katagang “siya ay magnanakaw at huwag tularan!”
Ayon kay Ben Tulfo, dahil sa mga ganitong reklamo nagkaroon ng misyon ang kaniyang programa sa telebisyon na BITAG. Sa 21-taong public service program ng BITAG, adbokasiya na nilang ipagtanggal ang mga inapi at inabuso ng mga matataas o makapangyarihang tao.
“Ang reklamo gaya nito ay isang halimbawa kung bakit nabuo at nananatili ang BITAG. Tatayo kami para sa katotohanan at ipagtatanggol ang mga biktima ng pang-aapi. Walang sinasanto ang BITAG basta’t mailabas ang katotohanan,” ayon sa host na si Ben Tulfo.
Iminungkahi ni Atty. Melanio “Batas” Mauricio Jr., resident lawyer ng BITAG, na sampahan ng kaso ni “Maureen” ang kaniyang bisor at kumpanyang pinagtrabahuan sa dahilang kinatigan siya ng hukuman na walang pagkakasala.
“Maliban sa employer, ang isa pang tinitignan ko dyan ay yung illegal arrest dahil nakulong siya at yung serious illegal detention dahil sapilitang kinulong, ihahanda natin ‘yan” dagdag ni Atty. Batas.
Kasabay ng legal assistance ng BITAG sa pamamagitan ni Atty. Batas Mauricio, nagpahatid ng tulong ang ACT-CIS sa pamamagitan ni Mr. Erwin Tulfo.
“Sagot ko na ang renta mo ngayong buwan at sa susunod na buwan, yung pangkain at pang-gatas ng anak mo dadagdagan ko, P11,000 na, Kung gusto mo ng pangkabuhayan o magtinda-tinda dahil walang trabaho kung sari-sari store bibigyan pa kita ng P10,000, pasalamat din ako kat tol Ben at inilapit niya ang reklamo sa akin,” masayang balita ni ERWIN TULFO kay “Maureen.”
Para mapanood ang buong imbestigasyon at pagtutok ng BITAG sa kaso ni Maureen, panoorin ang mga videos na ito:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.