Hindi pinalampas ni Senator Raffy Tulfo ang mga sagot ni acting president Emmanuel Ledesma ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) matapos sabihin na walang nangyayaring katiwalian sa ahensya.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography para sa panukalang amyendahan ang Universal Health (UHC) Law, kinuwestiyon ni Sen. Tulfo kung bakit umabot ng P1.181 bilyong pisong Philhealth claims ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) members gayun ang mismong mga employers naman ang sumasagot sa pagpapa-ospital ng mga OFWs.
“Yung malawakang korapsyon sa Philhealth na may mga bogus claims. Ito na nga po siguro yun, na may nagpa-file ng claims in behalf of this OFW, na hindi naman, na pine-fake ang kanilang pirma.”
Sagot naman ni Ledesma, may mga repormang isinusulong ang Philhealth at humiling din sila ng “honeymoon period” o sapat na panahon upang matugunan ang mga problema sa ahensya
Dagdag pa ni Ledesma, na simula nang manungkulan siya sa Philhealth noong Nobyembre 2022 ay wala pa aniya siyang nakikitang iregularidad sa ahensya.
“I have been actively looking since I joined, although I’m telling you, so far po, to be honest, wala po akong nakikita,” ani Ledesma.
Dito na siya binara ni Sen. Tulfo at ipinunto ang mga nagdaang imbestigasyon kaugnay sa korapsyon sangkot ang mga kawani ng ahensya.
“You’re making stupid out of us, of all of us. Kasi na-media na po ‘yan, kumalat na po ‘yan. Paulit-ulit na lang ‘yan sa media na mga ‘yung bogus claims, meron na ngang na-Ombudsman, may mga naimbestigahan, pero sabi mo wala ka pa ring nakikita,”
“Siguro po, mag linis-linis kayo. Linisin nyo po ang PhilHealth. Mag-imbestiga kayo kung sinu-sino doon ang involved sa korapsyon. From then, maniniwala ako na magiging maayos na ang takbo ng PhilHealth. Maniniwala kaming lahat,” naiinis na pahayag ni Tulfo.
Sa kabila nito, humingi ng paumanhin ang Senador kay Ledesma.
“I would like to apologize to Mr. Ledesma, bago lang nga po kayo, you came in prepared. Kaya po nag-init ang ulo ko sa inyo rin, magkaiba po kasi ang istilo ng pamamalakad natin, pamumuno natin so nag-clash tayo and kung kayo po ay na-offend sa mga narinig niyo sa akin, I apologize to you. But next time, ibahin niyo po ang istilo niyo sa panunungkulan sa tao para magbe-benefit po ang taumbayan,” ani Tulfo.
Samantala, sinabi naman ni Senador JV Ejercito, principal author ng UHC, na magpapatawag ang Senado ng hiwalay na pagdinig para talakayin ang mga isyu sa korapsyon at iba pang problemang bumabagabag sa PhilHealth.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.