Halos siyam na libong kaso ng child abuse ang naitala noong nakaraang taon ayon sa Council for the Welfare of the Children (CWC).
Sa datos ng grupo na nakalap mula sa women and children protection units sa mga ospital, karamihan sa mga insidente ng pang-aabuso sa mga bata ay nangyari sa loob mismo ng kanilang tahanan.
Ayon kay CWC Executive Director Angelo Tapales, nasa 8,948 batang Pilipino ang nakaranas ng pang-aabuso, samantalang 43 na insidente ay nag report sa pamamagitan ng Makabata Helpline 1383. Karamihan sa mga biktima ay nasa edad 15 hanggang 17.
“Violence can happen in any place. It can happen inside their homes, communities and even in schools” ayon kay Tapales.
Nobyembre 2022, inilunsad ng CWC ang Makabata Helpline 1383 upang tugunan ang problema ng mga kabataang inaabuso. Ang CWC ay isang attached agency ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Patuloy na panawagan ng grupo, tumawag o magsend ng mensahe sa kanilang helpline sa pamamagitan ng email, text message o chat ang mga kabataan na biktima ng sexual abuse, bullying at may mental health concerns. Mananatili naman daw anonymous ang kanilang identidad. Hindi na rin daw kailan ng consent ng magulang kung sila ay magsusumbong.
“We have social workers, we have lawyers here. When the case is more severe, we have a referral system to the PNP (Philippine National Police), the NBI (National Bureau of Investigation), the National Center for Mental Health and the child protection units of hospitals. As for legal matters, of course, we can refer to legal aid organizations like the Legal AIDS Society of the Philippines and of course the Integrated Bar of the Philippines and Public Attorney’s Office,” ayon sa grupo.
Sa kasalukuyan, isinusulong ng CWC ang pagpasa ng mga batas na nagbibigay ng suporta sa health and psychosocial support sa mga kabataan at pagtugon sa adolescent pregnancy.
Hinihikayat din ni Tapales ang mga magulang na kausapin ang kanilang mga anak kung may pinagdadaanang suliranin.
“You are at the forefront of this fight against violence against children and sexual abuse. So, always talk to your children,” dagdag pa nito.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Winning entries of the Philippine Amusement and Gaming Corporation’s (PAGCOR) 2024 Photography Competition are now
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.