Nasungkit ng Filipino Olympic pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena ang kanyang ikalawang gintong medalya ngayon taon matapos nitong idomina ang 2023 Orlen Cup sa Lodz, Poland kahapon, Feb. 5 (Manila time)
Sa torneyo na binubuo ng 11 manlalaro, matagumpay na nalundagan ng 27-anyos na si Obiena ang 5.77 meters upang tumuntong sa unang puwesto.
Pumangalawa sakanya ang two-time world champion na si Sam Kendricks ng Amerika na nakapagtala ng 5.70m clearance habang iniuwi naman ni Piotr Lisek ang bronze.
“Happy to win the gold here today in Lods. It was a difficult battle, both physically and mentally,” ani Obiena sa kanyang social media post.
Ito ang ikaapat na pagkakataon na nagtapos sa podium si Obiena sa kanyang kampanya sa indoor season ngayon taon.
Unang siyang nagwagi ng silver sa Internationales Springer-Meeting sa Germany noong Jan. 26. Sinundan ito ng kanyang unang gintong medalya sa Perche En Or sa France, at bronze naman sa Mondo Classic sa Sweden kamakailan.
Nakatakdang lumaro muli si Obiena sa Orlen Copernicus Cup sa Miyerkules, Feb 8 na gaganapin sa Torun Arena Sports Hall sa Torun, Poland.
“Now we rest and recover for the Copernicus Cup. Traveling from Sweden to Poland was not easy at all.”
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.