Dahil sa tumataas na kaso ng mga kabataan nagkakaroon ng mental health issues, isinusulong ngayon ni Senator Jinggoy Estrada na magkaroon ng mental health offices (MHOs) sa lahat ng state colleges and universities (SUCs) sa buong bansa.
“There have been a lot of studies that have come out on the worsening mental shape of our youth today. Hindi dapat natin itong ipagwalang bahala. Dapat aksyunan ito at solusyunan. Mahalagang pagtuunan ito ng pansin nang hindi na madagdagan pa ang ating mga mag-aaral na depressed,” ayon sa pahayag ng senador
Sa ulat ng World Health Organization (WHO) ukol sa adolescent mental health, lumabas na pang apat na dahilan ng pagkamatay ng mga nasa edad 15 hanggang 29 ay suicide.
Sinabi rin sa ulat na ito na may epekto kalaunan ang hindi agarang pagtugon sa problema sa mental health ng mga kabataan dahil nalilimitahan ang pagkakaroon nila ng maayos na pamumuhay pagtuntong nila sa hustong gulang.
“Upang matiyak ang pagkakaroon ng access sa pangangalaga sa kalusugan ng isip at para na rin pangalagaan ang kapakanan ang mga apektadong kabataan, kailangan na magtatag ng mga MHO sa lahat ng ating SUC. Sakop na rin nito ang mga guro at mga kawani sa mga kampus ng ating mga SUC sa buong bansa,” ani Estrada sa kanyang Senate Bill 1508.
Naalarma din sa ulat na ito si Senador Chiz Escudero, kaya nanawagan siya sa Department of Health (DOH) na pangunahan ang isang pag-aaral na magbibigay-daan sa pamahalaan na makakuha ng mas malaking larawan sa kasalukuyang kalagayan ng mental health ng mga Pilipino.
Kailangan aniya na magkaroon ng mas komprehensibong pag-aaral sa pagtugon sa problema sa holistic na pamamaraan.
Samantala, iginiit naman ni Department of National Defense (DND) officer-in-charge Carlito Galvez Jr. na ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program ay isa sa mga cure o lunas sa tumataas na kaso ng mental health issue sa mga kabataan. Paglalarawan ni Galvez, “ROTC strengthening character and resilience.”
“What we intended to convey during the (Senate) hearing was that through our enhanced ROTC Program, we would be able to build the strength of character and resilience of our trainees, qualities which positively foster mental health,” dagdag pa ni Sec Galvez.
Recent News
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
A bettor from Balagas, Batangas City won ₱46,546,547.80 in the Lotto 6/42 drawn last October
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.